;

Mga Negosyong Pwede Mong Simulan Pag-uwi sa Pilipinas

Dahil deserve mo rin ang happily ever after—sa ‘Pinas kasama ang sarili mong pamilya

  • Publish date: since 3 days
Mga Negosyong Pwede Mong Simulan Pag-uwi sa Pilipinas

Gaya ng palagi mo na sigurong naririnig, “Walang forever sa pagiging OFW.” Kaya naman, tulad ng marami, pangarap mo ring makaipon nang sapat para makauwi, tumigil sa pag-aabroad, at manirahan na for good kasama ang iyong pamilya.
Pero paano nga ba magiging posible iyon? Malamang ay darating ang araw na mauubos din ang ipon mo — at paano na kayo mabubuhay ng pamilya mo? Ang sagot diyan ay nasa tamang pag-iinvest, at isa na ro’n ang pagnenegosyo.
Narito ang ilang negosyong puwede mong pagkakitaan: mga timeless na ideya, maliit ang puhunan, at paniguradong kayang-kaya mong simulan.

1. Bakery

New Filipino Bakery on Quadra, lechon next door! Spanish bread was good. :  r/VictoriaBC
Maraming OFW ang namamasukan bilang domestic helper, at kadalasan ay kasama na sa trabahong ito ang pagluluto at pagbebake. Sa ilang taong paninilbihan mo sa ibang bansa, tiyak na bihasa ka na sa kusina — lalo na sa pagbake. At alam nating hindi kumpleto ang miryenda ng mga Pinoy kung walang tinapay. Kaya sa pag-uwi mo sa Pilipinas, hindi ba’t exciting makita ang pangalan mo sa harap ng sarili mong bakery?

2. Karinderya o Kahit Anong Food Business

Our Top 5 Restaurants in San Juan, La Union, Philippines –  TravellingPeoples.com
Mahilig kumain ang mga Pinoy, kaya’t kung sanay ka na sa pagluluto, malaking plus na ‘yan para magsimula ng food business. Marami kang puwedeng subukan: magtayo ng karinderya malapit sa palengke, simbahan, eskuwelahan, o kahit saan na maraming tao. Puwede rin namang magsimula muna sa bahay, magpa-order online, at ikaw na ang mag-deliver sa mga customer mo.

3. Bigasan

Establishing A Rice Dealership Business
Walang tatalo sa kanin sa bawat pagkain ng mga Pinoy. Kaya siguradong may bibili ng bigas araw-araw — tag-ulan man o tag-init. Puwede kang magbenta per kilo o per kaban. Puwede mo rin itong simulan sa bahay o mag-renta ng pwesto sa palengke. Simple lang simulan, pero malaking kita kung tama ang magiging pamamalakad mo.

4. Sari-Sari Store

Upgrade Your Sari-Sari Store to the Next Level l Mang Kosme
Subok na ang sari-sari store bilang isa sa mga pinaka-stable na negosyo sa Pilipinas. Bumili ka ng mga paninda sa wholesale, tapos ibenta mo ng tingi sa sarili mong bahay. Makakatipid ka pa kung gagamit ka ng discount cards, vouchers, o mag-aabang ng sale. Ang mahalaga, sundin ang Suggested Retail Price (SRP) para abot-kaya pa rin ng suki mo.

5. Apartment o Airbnb

Studio-Type Apartelle 2D + Netflix + Free Parking - Apartments for Rent in  Los Baños, Calabarzon, Philippines - Airbnb
Patok na rin ngayon ang paupahan, lalo na kung nasa lokasyon ka na madalas puntahan ng mga tao o turista. Oo, mas malaki ang kailangang puhunan, at maaaring abutin ng taon bago bumalik ang kita, pero sulit ito kung may ipon ka para sa kapital. Kapag nabawi mo na ang mga ginastos mo, halos tubo na ang mga susunod mong kikitain — bawas lang sa maintenance.

6. Online Selling

Why more leading brands are embracing change of mind policies | Shopee
Hindi nalalaos ang online selling, lalo na sa dami ng platforms ngayon gaya ng Facebook, TikTok Shop, Shopee, at Lazada. Puwede kang bumili ng paninda sa Divisoria tulad ng damit, bag, sapatos, cosmetics, o kahit anong trending item, tapos ibenta mo online. May mga freight forwarders na rin na tumutulong mag-import mula China para makabili ka nang mas mura sa mga direct supplier. At kung kailangan mo ng gabay, maraming step-by-step tutorial na makatutulong sa ‘yo sa YouTube.

Follow us on our Whatsapp channel for latest news